
Hangad ng pamahalaan na amyendahan ang batas sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Sa ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ibinida ng pangulo ang mahigit limang milyong kabahayan na nakatanggap ng benepisyo sa conditional cash transfer program ng 4Ps.
Ayon kay Pangulong Marcos, halos 1.5 milyong mga Pilipino ang gumanda ang buhay at naka-graduate na sa 4Ps sa nakalipas na tatlong taon.
Kaya naman, nananawagan ang pangulo sa mga lokal na pamahalaan na hanapin pa ang mga residente na kailangan ipasok sa 4Ps at mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Samantala, pagsapit ng 2027 ay target na maabot ng feeding program ng DSWD ang nasa 750,000 bahay sa buong bansa.
Paparamihin din ang mabibigyan ng masustansyang pagkain at gatas na mga batang Pilipino sa pamamagitan ng dagdag na isang bilyong pisong pondo.









