PANTAY DAPAT | Customer, binalik ang inorder na sandwich dahil sa hindi pantay na pagkakahati ng tinapay

Mabilis na nag-viral sa social media ang kwento ng isang club owner tungkol sa reklamo ng isa niyang customer.

Ito ay matapos na ibalik at papalitan ng customer ang inorder niyang cheese sandwich dahil lang sa hindi pantay ang pagkakahati sa tinapay!

Nang sukatin ng isang staff, napag-alamang mas malaki lang ng isang sentimetro ang kalahati ng sandwich.


Sabi naman ni Peter Norris, Chief Executive Officer ng Corowa RSL Club sa dinami-rami ng naging customer nila, first time daw niyang maka-encounter ng ganitong kababaw na reklamo.

Pero sa halip na mainis, natawa na lang daw siya sa reklamo ng customer.

Facebook Comments