
Nanawagan ang Stratbase Group, isang policy think tank, sa pamahalaan na tiyaking hindi mailalagay sa panganib ang pambansang seguridad at integridad ng imprastraktura habang pinapalawak ang akses ng mga Pilipino sa digital na teknolohiya.
“The accessibility and affordability of digital services must be a priority – but not at the cost of safety or sovereignty,” ayon sa pahayag ng Stratbase.
Isa sa mga tinukoy ng grupo bilang natatanging hamon sa Pilipinas ay ang heograpikal na kalagayan nito bilang isang bansang binubuo ng mahigit 7,000 isla na nagiging hadlang sa pagkamit ng pantay – pantay na konektibidad sa lahat ng rehiyon.
Sa kabila ng mga limitasyong ito, binigyang – diin ng Stratbase na ang tunay na digital inclusion ay ang pagbibigay ng pantay-pantay na oportunidad sa lahat ng estudyante lalo na sa Mindanao katulad ng mga nasa Metro Manila pagdating sa kaalaman at sa aktibong partisipasyon sa ekonomiya.
“A citizen in the South deserves the same opportunities as those in the capital; one cannot fully participate in today’s digital economy offline,” saad ng grupo.
Habang mahalaga ang mabilis at maaasahang internet para sa paglago ng teknolohiya, nagbabala ang Stratbase sa mga panganib ng hindi maingat na pagpili ng mga internet service provider lalo na ang mga may kuwestyunableng background o koneksyon sa mga banyagang estado.
“The consequences will be dire and disruptive,” babala ng grupo.
Binigyang-diin din nito na mahalaga ang kontribusyon ng mga lokal na telecommunications companies na matagal nang nagsusulong ng pagpapalawak ng digital infrastructure ng bansa.
“These firms, with years of industry experience, have pledged to continue partnering with the government to support inclusive growth and digital innovation. Existing telcos know the terrain. They’ve built the infrastructure, navigated the market, and shown their commitment to the Filipino people,” dagdag ng grupo.
Habang patuloy na binubuksan ng gobyerno ang mga oportunidad para sa mas malawak na konektibidad, nananawagan ang Stratbase sa mga mambabatas at regulators na tiyaking umiiral ang mahigpit na legal na batayan sa pagpili ng service providers hindi lamang batay sa kapasidad kundi pati na rin sa kredibilidad.
“It is imperative that we entrust our data and digital future only to entities that are capable, credible and committed to the country’s welfare,” giit ng Stratbase.
Sa kabuuan, isinusulong ng grupo ang responsableng digital na pag-unlad na may isang sistemang nagbibigay ng pantay na akses sa lahat at hindi nagbibigay ng panganib.









