MANILA – Binigyang linaw ng isang grupo ng Lesbians, Gays Bisexual at Transgender o LGBT na kahalagahan ng pagsusulong ng same sex marriage sa Kamara.Sa interview ng RMN sa executive director ng grupong Babaylanes, Incorporated na si Megan Evangelista, simple lang ang layunin ng naturang panukala at ito’y ang pagbibigay ng pantay-pantay na natatanggap na proteksyon at benepisyo mula sa gobyerno tulad ng isang babae at lalakeng mag-asawa.Punto pa ni Evangelista, hindi naman kinakailangang ibinabase sa kasarian ang pagmamahal o ang pag-ibig sa isang tao.Pero hindi sang-ayon dito si Buhay Partylist Representative Lito Atienza.Ayon kay Atienza, hindi dapat sinisira o binabago ang kasagraduhan ng isang kasal na para lamang sa pagitan ng babae at lalake.Nilinaw din ni Atieza, na suportado nila ang pagkakaroon ng pantay-pantay na karapatan sa hanay ng LGBT.Iginiit ni Atienza, na marami namang pwedeng unahing panukalang batas na makakatulong at pakikinabangan ng lahat.
Pantay Na Karapatan, Iginiit Ng Isang Lgbt Group Sa Pagsusulong Ng Same Sex Marriage – Buhay Partylist, Agad Komontra
Facebook Comments