Manila, Philippines – Aminado si Supreme Court Associate Justice Marvic
Leonen na hindi lamang dapat maging professional at well-equipped ang mga
korte sa bansa, kundi mahalagang maging independent at corruption-free para
maigawad ang tamang hustisya.
Sa kanyang talumpati sa International Chamber of Commerce sa Taguig,
iginiit ni Leonen na kailangan ng agarang reporma sa hudikatura.
Hindi aniya sapat ang pagpapairal sa rule of law kundi ang pantay na
pagpapatupad nito.
Sinabi pa ni Leonen na mahalagang maprotektahan ang integridad at kalayaan
ng hudikatura.
Ang ganito aniyang commitment ay hindi lamang para sa isang indibidwal
kundi sa buong institusyon o hudikatura.
Facebook Comments