PANTAY NA PAGPILI SA MGA JOB ORDER PERSONNEL SA SUAL, ISINAGAWA BAGO ANG RENEWAL

Sumailalim sa komprehensibong pagsusuri ang mga Job Order (JO) personnel ng lokal na pamahalaan ng Sual bilang bahagi ng proseso para sa renewal ng kanilang kontrata.

Isinagawa ang naturang pagsusuri upang matiyak na ang mga desisyon kaugnay ng renewal ay nakabatay sa malinaw at patas na pamantayan, aktuwal na pangangailangan ng mga tanggapan, at kalidad ng serbisyong naibibigay sa publiko.

Ayon sa tanggapan, layunin ng hakbang na ito na mapalakas ang organisasyon at mapahusay ang paghahatid ng serbisyo sa mamamayan, habang isinusulong ang pananagutan at transparency sa pamamahala ng human resources.

Nilinaw rin na ang proseso ay sistematikong pagpili upang matiyak ang pantay na pagkakataon at episyenteng operasyon ng pamahalaan.

Kasabay nito, kinilala naman ang patuloy na dedikasyon, sipag, at malasakit ng mga Job Order personnel sa paglilingkod sa publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments