Hinihikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng community pantry organizers na makipag-coordinate Sa Local Government Units (LGUs) at pulisya para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, dapat maging bahagi ang publiko sa Bayanihan spirit, pero dapat tiyaking nasusunod pa rin ang health protocols.
Handang tumulong ang law enforcement agencies lalo na sa crowd control lalo na kapag dinagsa na ng mga tao ang community pantries.
Para sa kalihim, walang masama kung magtatanong ang mga awtoridad ng contact details ng mga organizers dahil kailangan ito para sa proper coordination.
Pinuri din ni Año ang Quezon City Government sa pag-iisyu ng guidelines para sa community pantries.
Facebook Comments