PANUKALA | Holiday ng mga kasambahay, isinusulong sa Kamara

Manila, Philippines – Pasado na sa committee level ang panukala para sa holiday ng mga kasambahay.

Nakalusot na sa House Committee on Revision of Laws ang panukalang nagtatakda para sa araw ng mga kasambahay o tuwing ika-18 ng Enero kada taon.

Ito ay bilang paggunita sa pagkakalagda sa Kasambahay Law o Republic Act 10361 noong January 18, 2013.


Sa ilalim ng House Bill 6285, idedeklarang non-working holiday para sa lahat ng kasambahay ang araw na ito.

Ang panukalang ito ay isinulong ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas bilang pagkilala sa mahalagang serbisyo ng mga kasambahay sa mga pamilyang Pilipino.
Paliwanag ni Fariñas itinuturing na bayani ng tahanan ang mga kasambahay kaya dapat na protektahan ang kanilang karapatan at kapakanan.

Facebook Comments