Isang panukalang batas ang nakahain ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa reclassification ng mga munisipalidad sa buong bansa.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa harap ng ginagawa ngayong pag-aaral kaugnay sa pagpapatupad ng full devolution dahil na rin sa hindi pa pagiging handa ng ilang munisipalidad na gampanan ang functions na ililipat ng national government sa kanila.
Ayon sa pangulo, kailangan kasing maayos ang distribution partikular na sa extra Internal Revenue Allotment (IRA) na makukuha ng 4th, 5th, 6th class na lokal na pamahalaan.
Ayon pa sa pangulo, kung tutuusin ay lugi pa ang nabanggit na mga munisipalidad na nasa ganoong kategorya kung hindi naman sapat ang maidaragdag na IRA sa kanila lalo’t mas lalaki ang kanilang magiging responsibilidad sa devolution.