Panukala kontra diskriminasyon sa LGBTQ, dapat nang isabatas – Sen. Risa Hontiveros

Image via Facebook/Senator Risa Hontiveros

Dahil sa naranasang diskriminasyon ng isang trans woman sa loob ng isang mall sa Quezon City nitong Martes, muling isinulong ni Senator Risa Hontiveros ang pagpapatupad ng hinaing panukala para sa proteksyon ng LGBTQ community.

Nitong Martes, napaulat na pinosasan at dinala sa istasyon ng pulis si Gretchen Custodio Diez matapos komprontahin ang isang janitress na pumigil sa kaniyang gumamit ng pambabaeng banyo.

Pahayag ng senadora, dapat nang isabatas ang SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity or Expression) Equality bill na nakabinbin sa Mataas na Kapulungan.


“Sa mga nagsasabing hindi na natin kailangan ng SOGIE Equality Law kasi tanggap na naman ang LGBT sa Pinas: A transwoman has just been humiliated in a mall restroom in Cubao. Pinosasan at dinala sa Karingal!” saad ni Hontiveros.

“She is being harassed for living her truth. Discrimination against transgender people has to STOP! LGBT persons face harassment & discrimination every day. This must STOP!” dagdag pa niya.

Ayon sa mambabatas, hindi katanggap-tanggap ang sinapit ni Diez sa kamay ng pamunuan at security ng Farmers Plaza.

“The incident exposed her to harassment and abuse that could have happened if forced to enter the men’s CR. Iihi ka lang sana, pero dahil transgender person ka, kulong. Unfair,” giit ni Hontiveros.

Susuportahan at tutulugan din ni Hontiveros si Diez upang makamit ang hustisya.

Sa ilalim ng SOGIE bill, pagmumultahin ng P100,000 hanggang P500,000 ang sinumang yuyurak sa karapatan-pantao ng LGBTQ at makukulong ng isa hanggang anim na taon.

Facebook Comments