Panukala na Gawing Anim na Distrito ang Cagayan, Pinaboran ng Ilang Kongresista!

*Cagayan- *Suportado ng tatlong kongresista ang isinusulong na gawing anim na Legislative Districts ang Lalawigan ng Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, pabor sina incumbent Congressman Ramon Nolasco Jr. ng 1st District, Sam Vargas Alfonso ng 2nd District at 3rd District Congressman Jojo Lara sa House Bill No. 1116 o An Act Re-Apportioning the Current 3 Legislative District of the Province of Cagayan to 6 Legislative Districts.

Batay sa panukala, mula sa dating sampung bayan ng unang distrito ng Cagayan ay gagawin na lamang itong limang bayan na kabibilangan ng Aparri, Baggao, Buguey, Calamaniugan at Gattaran.


Ang 2nd District naman na ngayon ay binubuo ng labing dalawang barangay ay gagawin ng limang bayan tulad ng Alcala, Gonzaga, Lallo, Sta. Ana at Sta. Teresita habang ang ikatlong distrito naman na may anim na bayan at isang syudad ay gagawin nang anim na mga bayan gaya ng Abulug, Allacapan, Ballesteros, Calayan, Lasam at Pamplona.

Ipinapanukala naman sa ika-apat na distrito ay sasakupin ang mga bayan ng Claveria, Sanchez Mira, Sta Praxedes at Sto Niño.

Sa ikalimang distrito ng Cagayan ay bubuuin ng mga bayan ng Piat, Rizal, Amulung, Enrile at Tuao samantalang ang pang anim na distrito ay ang Tuguegarao City, Iguig, Solana at Peñablanca.

Sa ngayon ay naipasakamay na sa House Committee on Local Government sa Kamara para sa mas malalimang pag-aaral.

Facebook Comments