Inaprubahan na ng House of Representatives sa ikalto at huling pagbasa ang panukala para ideklara ang Pampanga bilang Christmas Capital of the country.
Ito ay ang House Bill No. 6933 na nakakuha ng 250 botong pabor mula sa mga kongresista, walang tumutol at wala ding abstention.
Pangunahing may-akda ng panukala si Senior Deputy Majority Leader at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales, Jr.
Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang kahanga-hangang parol o lantern na ginagawa ng mga Kapampangan ay may malaking ambag sa pagiging espesyal ng pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas.
Bunsod nito ay inaatasan ng panukala ang Department of Tourism na isama at isulong ang lalawigan bilang Christmas Capital sa mga promotional programs nito.