Panukala na i-convert sa digital copies ang textbooks, pinamamadali na ang pag-apruba sa Kamara

Pinaaksyunan ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa mga kasamahang kongresista ang inihaing panukala na i-convert sa electronic o digital copies ang lahat ng textbooks ng mga mag-aaral.

Paliwanag ni Villafuerte, ang House Bill 8020 ang nakikita niyang solusyon sa kakulangan ng printed modules partikular sa mga pampublikong paaralan lalo na ngayong nasa ilalim ng blended o distance learning ang mga paaralan dahil sa COVID-19 pandemic.

Katunayan aniya, bago pa man ang pagtama ng pandemya sa bansa ay kulang na rin sa libro ang mga estudyante sa public schools kung saan naghihiraman o sharing sa isang textbook ang mga mag-aaral.


Sa oras na mailipat ang lahat sa digital copy ang lahat ng content na gamit ng mga publishers na bahagi ng Public School Textbook Program (PSTP) ay mas mabibigyan ng access ang bawat mag-aaral sa kailangan nitong learning materials.

Titiyakin naman na ang scanning at conversion ng mga libro ay salig sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines upang protektahan ang intellectual property rights ng authors at publishers ng mga libro.

Facebook Comments