Panukala na ideklarang economic sabotage ang tobacco smuggling, lusot na sa Kamara

Sa botong pabor ng 225 mga mambabatas ay lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 3917 o panukalang ideklara bilang economic sabotage ang smuggling ng sigarilyo at iba pang tobacco product at pabigatin ang parusa nito.

Aamyendahan ng panukala ang Section 3 at 4 ng Republic Act 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 para maibilang ang tobacco “raw o finished product” sa listahan ng mga agricultural commodities sa bansa.

Tugon ang panukala sa large-scale tobacco smuggling at inaasahang mapipigilan nito ang pagpupuslit ng mga ilegal na tobako sa Pilipinas.


Sa ilalim ng panukala, ay gagawing non-bailable offense ang tobacco smuggling at mapapatunayang guilty dito ay mahaharap sa habambuhay na pagkabilanggo at multa na katumbas ng doble ng halaga ng produktong ipinuslit kasama ang buwis, duties at iba pang charges.

Ang panukala ay inisponsor nina House Committee on Agriculture and Food Chairperson Wilfrido Mark Enverga, Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, at PBA Party-list Rep. Margarita Nograles.

Facebook Comments