Panukala na isama sa Tertiary Education Subsidy ang mga mag-aaral sa private school, lusot na sa ikalawang pagbasa

Aprubado na sa ikalawang pagbasa ang panukala na nagpapalawak pa sa sakop ng Tertiary Education Subsidy (TES).

Sa viva voce voting ay pinagtibay ang House Bill 10560 na layong maisama sa benepisyo ng TES ang mga mag-aaral mula sa private Higher Educational Institutions.

Nakasaad sa panukala na ang mga “underprivileged” at “academically competent” na mga estudyante ay maaari nang makapag-aral sa pinili nilang pribadong paaralan sa pamamagitan ng voucher system ng TES.


Bukod sa private higher education institutions ay kasama rin sa masasakop ng TES ang mga estudyante mula sa Technical-Vocational Institutions (TVIs).

Tuloy-tuloy namang matatanggap ng mga mag-aaral ang benepisyo hanggang sa matapos nila ang kanilang kurso o degree program basta’t mapapanatili ang mataas na grado at residency requirements salig na rin sa alituntunin ng mga paaralan.

Facebook Comments