Pinagtibay na sa ikalawang pagbasa ang panukala na nagbibigay kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang nakatakdang Social Security System (SSS) contribution hike ngayong taon.
Sa viva voce voting ay nakapasa sa second reading ang House Bill 8512 na layong amyendahan ang Section 4 A.9 ng Social Security Act of 2018.
Sa ilalim ng panukala ay may kapangyarihan ang Pangulo na suspendehin ang nakatakdang contribution increase kaakibat ng gagawing konsultasyon sa Finance Secretary na siyang ex-officio member ng Social Security Commission.
Ikukonsidera ang pagpapaliban sa SSS contribution rate increase sa panahon na nahaharap sa national emergency ang bansa.
Ngayong taon dapat ay naka-schedule na itaas sa 13% ang share ng employer at empleyado sa SSS contribution mula sa kasalukuyang 12%.