Inaprubahan sa House Committee on Human Rights ang substitute bill na layong maprotektahan ang mga human rights defenders sa bansa.
Sa ilalim ng Human Rights Defenders Bill ay binibigyang proteksyon ang mga tagapagtanggol ng karapatang pantao laban sa mga human rights violators tulad ng estado, pribadong indibidwal at mga otoridad.
Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, isa sa may-akda ng panukala, layunin nito na protektahan ang mga lehitimo at peaceful human rights defenders na nangangalaga sa karapatang pantao salig sa nakasaad sa batas.
Tinukoy naman ng Makabayan bloc ang pagpatay, pangha-harass at iligal na pagkulong sa mga human rights defenders sa bansa.
Nauna nang natalakay sa komite na isa ang Pilipinas sa pinaka-peligrosong bansa para sa mga human rights defenders.