Panukala na magpapabilis at magbibigay karapatan sa mga LGUs na bumili ng direktang bakuna sa mga manufacturers, isinusulong sa Kamara

124

Pinabibilisan ni Speaker Lord Allan Velasco ang pagbili at pag-administer ng COVID-19 vaccines.

Sa inihaing House Bill 8648 ni Velasco, hinihiling nito na madaliin ang purchase at administration ng COVID-19 vaccines sa pamamagitan ng pagbibigay ng karapatan sa mga Local Government Units (LGUs) na direktang bilhin ang mga bakuna mula sa mga manufacturers na hindi na kinakailangan pang dumaan sa mahabang proseso ng public bidding.


Binibigyan ng panukala ng exemption ang mga LGUs sa pagsunod sa procurement requirements sa ilalim ng Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act nang sa gayon ay agad-agad makakabili ng bakuna at iba pang kinakailangang suplay ang mga lokal na pamahalaan.

Sa ilalim pa ng panukala, pinapayagan ang mga probinsya, syudad at munisipalidad na mag-advance payment na hindi hihigit sa 50% ng kontrata para sa procurement ng gamot at bakuna laban sa COVID-19.

Matapos ang advance payment ay dapat mai-deliver sa loob ng anim na buwan ng mga foreign manufacturers ang mga bakuna sa mga LGUs.

Naniniwala si Velasco na ang tugon para sa epektibong paglaban sa COVID-19 at sa pagbangon muli ng ekonomiya ay ang mabilis na pagbili at pagpapatupad ng vaccination program.




Dagdag pa nito, mahalaga ang bawat oras kaya sa bawat araw na nade-delay ang bakuna ay mas napapagastos at mas malaki ang nawawala sa gobyerno at sa bansa.

Facebook Comments