Panukala na magpapadali sa pagbabayad ng buwis, lusot na sa komite ng Kamara

Inaprubahan na sa House Committee on Ways and Means ang panukala na magpapadali sa pagbabayad ng buwis.

Layunin ng ipinasang House Bill 7881 o “Ease of Paying Taxes Bill” na imodernisa ang paraan ng pangongolekta ng buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR), matiyak na ang mga taxes ay mababayaran at makokolekta sa pinakamagaan at madaling paraan at mabibigyang proteksyon ang kapakanan ng mga taxpayers.

Sa ilalim ng panukala ni Salceda, ang mga taxpayers kasama ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ay maaaring mag-apply ng tax identification numbers gayundin ang maghain at magbayad ng buwis na hindi na kinakailangan ang physical appearance o pagpunta sa mismong BIR.


Isinusulong din ng panukala na maitaas ang ‘tax morale’ o ang pagiging masigasig ng mga Pilipino na bayaran ang kanilang mga obligasyon.

Napuna ni Salceda, dahil sa napakahaba at mahirap na proseso sa pagbabayad ng buwis at pagiging bukas nito sa pang-aabuso kaya’t mababa ang ‘tax morale” ng mga Pilipino.

Kasama rin sa main features ng panukala ang uniform documentation para sa Value-Added Tax (VAT) transactions at pagpapadali sa hinihinging requirements sa tax filing ng mga maliliit na negosyo.

Facebook Comments