Panukala na magpapalakas sa Comelec, lusot na sa second reading sa Kamara

Aprubado na sa ikalawang pagbasa sa plenaryo ang panukala na magpapalakas sa Commission on Elections (Comelec).

Sa viva voce voting sa plenaryo ay ipinasa ang House Bill 9785 na nag-aamyenda sa Omnibus Election Code.

Layon ng panukalang batas na paigtingin ang integridad ng mga field office ng Comelec sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga tauhan.


Ang mga field office ay hiwalay at independent dapat mula sa impluwensya ng Local Government Units.

Ia-upgrade at bubuo rin ng iba’t ibang posisyon kasabay ng pagtataas ng sweldo at benepisyo para sa mga kawani.

Sa kada bagong City, Municipal o Electoral District, mayroong itatalagang posisyon para sa election officer at election assistant.

Sa kada 20,000 registered voters naman ay dapat may isang election assistant na nakatalaga.

Facebook Comments