Panukala na magpapalakas sa local sports program ng bansa, pinagtibay na sa Kamara

Inaprubahan na rin sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 10504 na magpapalakas sa local sports program ng bansa.

Sa botong 228 na pabor at wala namang pagtutol ay nakapasa sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na layong tulungan ang pagpapahusay sa mga atleta sa pamamagitan ng pinaigting pang sports programs ng bansa at pagbibigay ng insentibo para sa kanilang development.

Isinusulong sa panukala ang physical education, sports programs, league competitions, at amateur sports kasama ang pagsasanay para sa international competitions para pagyamanin ang disiplina sa sarili, teamwork at kahusayan ng mga atleta sa bansa.


Para mas matulungan ang mga atleta ay pina-a-upgrade rin ang sports facilities at mga kagamitang kanilang kakailanganin.

Bibigyan din ng financial assistance sa pamamagitan ng “sports voucher” na maaaring magamit ng isang atleta para pambayad sa sasalihang sports club, recreation club, o sports organization na accredited ng Philippine Sports Commission.

Facebook Comments