Panukala na magpapataw ng VAT sa mga digital transactions sa bansa, lusot na sa komite ng Kamara; kita dito, aabot ng P10 billion

Bumaba sa P10 billion ang posibleng kitain ng gobyerno matapos na makalusot sa House Committee on Ways and Means ang unnumbered substitute bill para patawan ng Value -Added Tax (VAT) ang mga digital transactions sa bansa.

Mula sa P29 billion ay P10 billion na lamang ang projected income sa oras na maisabatas ang panukala o P9 billion mula sa mga non-resident habang P1 billion naman sa mga local digital service providers.

Paliwanag ni Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, hindi na pupwersahin ang mga foreign digital service providers na magparehistro sa bansa at inalis na rin ang planong pagpataw ng income tax kaya bumaba ang projected income.


Inaprubahan ng komite ang unnumbered substitute bill na naglalayong amyendahan ang National Internal Revenue Code of 1997.

Sa ilalim ng panukala, sisingilin ng 12% VAT mula sa kanilang gross receipts ang mga non-resident digital service providers, o iyong may online platform na ginagamit sa pagbili at pagbenta ng mga produkto o serbisyo tulad ng Amazon at Netflix.

Sisingilin din ng buwis ang mga third party platforms gaya ng Lazada at Shopee, gayundin ang mga suppliers ng digital services.

Facebook Comments