Panukala na nag-aamyenda sa anti-hazing bill, aprubado na sa committee level ng Kamara; Hazing, idedeklarang krimen

Manila, Philippines – Aprubado na sa House Committee on Justice ang panukala na tuluyang nagbabawal sa hazing sa ilalim ng House Bill 3467 na inihain ni Bagong Henerasyon PL Rep. Bernadette Herrera-Dy.

Sa ilalim ng panukala, ay ginagawa ng krimen ang hazing at pinapapanagot ang lahat ng opisyal ng fraternity sakaling may masugatan o mamatay sa hazing rites.

Napagkasunduan din sa komite na ipataw ang parusang 20 taon hanggang habambuhay na pagkakakulong at 1 milyong multa depende sa hatol ng korte.


Kung magdaraos naman ng initiation rites ay dapat na may written notice ito sa eskwelahan pitong araw bago ang aktibidad at kailangang may kinatawan mula sa paaralan na sasaksi dito.

Dapat ay rehistrado sa mga otoridad ang fraternities, sororities at iba pang organisasyon na kahalintulad nito sa sa loob man o labas ng paaralan.

Sakop din ng panukala ang mga organisasyon na mga nakabase sa komunidad gaya ng mga frat o gang ng mga kabataan sa mga bara-barangay.

Facebook Comments