Panukala na nag-aamyenda sa Anti-Money Laundering Act, lusot na sa Kamara

Aprubado na rin sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na magpapalakas sa Anti-Money Laundering Law.

Sa botong 213 Yes, 7 No at 3 Abstentions ay nakalusot sa plenaryo ang House Bill 7904 na mag-aamyenda sa Anti-Money Laundering Act of 2001.

Nakasaad sa panukalang ini-akda ni Committee on Banks and Financial Intermediaries Chairman Junie Cua ang pagbibigay proteksyon at pagpapanatili sa integridad at confidentiality ng mga bank accounts sa bansa.


Tinitiyak din na hindi magagamit ang Pilipinas na venue o lugar ng money laundering activities.

Pinupuntirya rin ng panukala na matigil na ang mga targeted transactions kaugnay sa financing at paglaganap ng weapons of mass destruction, terorismo, at financing sa terorismo.

Pinapalawak ng panukala ang sakop ng AML Act para maisama na rin ang tax crimes at mga paglabag ng Strategic Trade Management Act kaugnay sa pagpi-finance para sa paglaganap ng weapons of mass destruction gayundin ang mga real estate developers at brokers na bumibili at nagbebenta ng properties.

Binibigyang kapangyarihan din ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na mangalaga, mamahala at mag-dispose ng mga assets na nasa ilalim ng freeze o asset preservation orders.

Facebook Comments