Panukala na nagbabawal sa child marriage sa bansa, inaasahang maisasabatas agad

Kumpyansa si Deputy Speaker Bernadette Herrera na lalagdaan agad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang nagbabawal sa child marriage sa bansa.

Ito ay matapos maratipikahan ng Kamara kamakailan ang reconciled version ng panukalang “An Act Prohibiting the Practice of Child Marriage”.

Naniniwala si Herrera na panahon na para wakasan ng bansa ang nakakabahalang practice ng child marriage na isang uri ng pang-aabuso sa mga kabataan.


Ituturing na krimen ang pagsasagawa ng seremonya para sa child marriage at ang pagpapakasal at pagsasama ng isang adult sa isang bata.

Sa oras na maging ganap na batas ay mahaharap sa multang hindi bababa sa P40,000 at pagkakabilanggo ng 12 taon ang mga solemnizing officers, magulang, guardians, o sinumang nakatatanda na masasangkot, magsasagawa, o mangangasiwa ng child marriage.

Batay sa 2017 State of the World’s Children Report ng United Nations Children’s Fund o UNICEF, pang-12 ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng child marriage.

Facebook Comments