Panukala na nagbabawal sa substitution ng mga kandidato, ipinapaprayoridad sa pamahalaan

Ipinapaprayoridad sa pamahalaan ang pagsasabatas sa pagbabawal ng “substitution” sa mga kandidato.

Iginiit dito ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na dapat matigil na ang nakasanayang “substitution” ng mga kandidato tuwing nalalapit ang halalan.

Paliwanag ni Rodriguez, ang pagbabawal sa substitition at pagbalik sa lumang kautusan na nag-oobliga sa incumbent na magbitiw kung tatakbo sa ibang posisyon ay mahalagang mga reporma na magbibigay ng integridad sa proseso ng halalan.


Mainam aniya na gawin itong legacy ng 18th Congress sa ilalim ng liderato nina Senate President Vicente Sotto lll at Speaker Lord Allan Velasco.

Kabilang si Rodriguez sa mga mambabatas na naghain ng panukala sa Kamara na layong pagbawalan ang mga partido sa pulitika na magpalit ng anumang kandidato maliban na lamang kung ang kandidato ay nasawi o na-diskwalipika sa pagtakbo sa posisyon.

Facebook Comments