Panukala na nagdedeklara sa maritime zones na sakop ng bansa, lusot na sa ikalawang pagbasa

Inaprubahan sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukala na nagdedeklara sa maritime zones ng bansa na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Pilipinas.

Nakalusot sa second reading ang House Bill 9981 o Philippine Maritime Zones Act na layong ideklara ang maritime zones ng bansa upang makapagtatag ng legal na mga base na maaaring pagsagawaan ng social, economic, commercial, at iba pang aktibidad.

Layunin ng panukala na gawing flexible ang mga ipinatutupad na batas kaugnay sa karapatan at obligasyon ng bansa sa sakop na maritime zones.


Nakasaad sa panukala na ang maritime zones ay tumutukoy sa internal waters, archipelagic waters, territorial sea, contiguous zone, exclusive economic zone at continental shelf.

Tinitiyak din sa bill ang sovereign rights ng bansa sa mga maritime zones na nagtatakda sa ekslusibong karapatan ng bansa na i-explore at pakinabangan ang mga resource na matatagpuan sa teritoryo salig na rin sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at iba pang kasunduan.

Facebook Comments