Panukala na nagpapalakas sa “anti-trafficking in persons”, pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na nagpapalakas sa mga patakaran kaugnay sa “anti-trafficking in persons.”

Sa viva voce voting sa plenaryo, ay mabilis na nakalusot ang House Bill 10658 na nag-aamyenda sa Republic Act 9208 o ang “Anti-Trafficking Persons Act of 2003.”

Sa ilalim ng panukala, ay imomodernisa ang batas upang matunton ang mga trafficking activity na ginagawa sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.


Ituturing na “trafficking in persons” ang online offenses gaya ng pornography, child sexual abuse, exploitation materials at online sexual abuse.

Kasama na rin sa idedeklarang paglabag sa batas ang paggamit sa online digital platforms sa “human-trafficking”.

Target din ng panukala na pag-ibayuhin ang kakayahan ng mga law enforcement agencies sa “advancement of technology” at isinusulong na payagan na silang gumamit ng “wiretaps” na otorisado ng korte para sa kanilang imbestigasyon sa child trafficking at online sexual exploitation.

Facebook Comments