Panukala na nagsususpinde sa paggamit ng mother tongue language sa pagtuturo, lusot na sa Kamara

Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 6717, na magsusupende sa pagpapatupad ng Enhanced Basic Education Act of 2013.

Layunin ng panukala na ipatigil pansamantala ang nilalaman ng batas na paggamit ng mother tongue o local dialect bilang medium ng pagtuturo sa Kindergarten hanggang Grade 3.

240 mga kongresista ang bomoto pabor sa panukala, tatlo ang tumutol at dalawa ang nag-abstain.


Inaatasan ng panukala ang Kagawaran ng Edukasyon, na makipag-ugnayan sa Komisyon ng Wikang Filipino para sa pagpapalimbag ng mga aklat at iba pang gamit at materyales sa pagtuturo na isinalin sa mother tongue.

Nilinaw naman sa panukala na maaring muling ipatupad ang batas sa oras na sertipikahan ng Department of Education (DepEd) sa Kongreso na kumpleto na ang mga libro, teaching materials at supplies na kailangan para epektibong maipatupad ang paggamit ng mother tongue.

Facebook Comments