Panukala na nagsususpindi sa paggamit ng mother tongue language sa kindergarten hanggang grade 3, pasado na sa ikalawang pagbasa

Inaprubahan sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kupulungan ang House Bill 6717 o panukalang naglalayong suspindihin ang paggamit ng mother tongue o lengwahe ng pagtuturo sa Kindergarten hanggang Grade 3.

Ayon kay House Committee on Basic Education chairperson at Pasig City Rep. Roman Romulo, mula ng ipatupad ang Mother Tongue-Based Multilingual Education noong 2013 ay hindi pa rin kompleto ang mga paaralan para maabot ang layunin ng batas.

Paliwanag ni Romulo, ito ay dahil mayroong 180 dialect at 19 na major dialect sa ating bansa.


Inaatasan ng panukala ang Kagawaran ng Edukasyon, sa pakikipag-ugnayan sa Komisyon sa Wikang Filipino, na magpalimbag ng mga aklat at iba pang gamit at materyales sa pagtuturo na isinalin sa mother tongue.

Ito ay upang tugunan ang kakulangan ng mga materyales sa pagtuturo sa mother tongue sa mga paaralan.

Oras naman na masuri ng Department of Education (DepEd) at sertipikahan na handa na ang mga school district na ipatupad ang MTB-ME ay awtomatikong mare-repeal ang batas.

Facebook Comments