Panukala na pagkakaloob ng 14th month pay sa mga kawani ng pamahalaan at pribadong sektor, tinalakay na sa Kamara

Isinalang na sa pagtalakay sa Committee on Civil Service ang panukala na nagsusulong na mabigyan ng 14th month pay ang mga empelyado mula sa pamahalaan at pribadong sektor.

Ayon kay KABAYAN Party-list Rep. Ron Salo, sponsor at may-akda ng panukala, bagamat mayroon nang ibinibigay na 13th month pay, marami pa ring mga pamilyang Pilipino ang hirap pagkasyahin ang kita bunsod ng pagtaas ng “cost of living”.

Layunin ng panukalang batas na gawing mandatory ang pagbibigay ng 14th month pay sa lahat ng empleyado sa gobyerno at pribadong sektor ano man ang employment status.


Aminado naman ang mambabatas na posibleng maging hamon para sa mga employer ang pagbibigay ng 14th month pay bunsod na rin ng pandemiya.

Pero maaaring bigyan ng tax exemption ang mga kompanyang magbibigay ng 14th month pay.

Katwiran pa ng kongresista, ang dagdag kita para sa mga manggagawa ay katumbas ng consumer spending na makakatulong sa pag-ikot ng ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments