Pasado na sa House Committee on Sustainable Development ang House Resolution 856 na humihimok sa lahat ng public at private television networks na magpalabas ng educational programs.
Sa ilalim ng resolusyon, iminumungkahi ang pagpapalabas ng tatlong oras na educational programs kada araw.
Ayon kay Alona Partylist Representative Anna Villaraza-Suarez, makatutulong ito ngayong COVID-19 pandemic sa transition ng mga estudyante patungo sa home-based learning bilang dagdag na resource material para sa mga mag-aaral.
Maging si ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ay iginiit na ginagamit niya noon sa pagtuturo ang mga educational programs sa telebisyon.
Nagpahayag naman ng suporta ang iba’t ibang stakeholders kabilang na ang Department of Education (DepEd) at ilang government media platform.