Panukala na pagpapalakas ng professionalism ng mga Pinoy professionals, nakalusot sa Kamara

Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na nag-aamyenda sa “Continuing Professional Development Act of 2016.”

Sa botong 176 na pabor at 6 ang tutol ay pinagtibay ng Kapulungan ang House Bill 9311.

Sa ilalim ng panukala ay hindi na pupwersahin ang mga propesyunal na kumuha ng Continuing Professional Development o CPD program units para sa renewal lamang ng Professional Identification Card o PIC.


Sa halip ay gagawing requirement ang CPD kung nais ng isang Filipino professional ng career progression o shifts sa propesyon.

Binibigyang mandato ang mga professional na kumuha at kumpletuhin ang 45 CPD units sa loob ng apat na taon mula sa kasalukuyang tatlong taon.

Layunin ng panukala na pagbutihin ang CPD kung saan mabibigyan ng training ang professionals para sa pagkakaroon ng mas magandang oportunidad at pagkamit sa mas mataas na posisyon sa ahensya ng gobyerno o sa pribadong kompanya.

Facebook Comments