Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para tuluyang maisabatas ang panukala na nagsusulong ng “tax exemption” sa kompensasyon ng mga nagsisilbi tuwing halalan.
Ito ay matapos i-adopt ng Kamara ang bersyon ng Senado sa panukala para agad na pagtibayin at hindi na daraan pa sa pagbusisi ng Bicameral Conference Committee.
Kapag naging ganap na batas ay malilibre na sa singil sa buwis ang honoraria, allowances at iba pang pinansyal na benepisyo ng mga poll worker.
Sa kasalukuyan ay mayroong 20% na ipinapataw na buwis sa honoraria ng mga poll worker.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga may-akda ng panukala sa Kamara at umaasang agad din itong mapipirmahan ni Pangulong Duterte.
Facebook Comments