Kinuwestiyon ng dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines ang panukala ng Office of the Ombudsman na patawan ng mas mabigat na parusa ang sinumang magkokomento ukol sa Statement of Assets, Liabilities and Net worth o SALN.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni dating IBP President Atty. Domingo Cayosa na nakasaad sa konstitusyon na obligasyon ng mga nagtatrabaho sa gobyerno na isapubliko ito bilang bahagi ng transparency.
Hindi rin aniya maganda na magmumula pa mismo sa Ombudsman ang ganitong panukala lalo na’t ang mandato nila ay magbantay kung may mga nangyayaring anomalya.
Umaasa naman si Cayosa na hindi ito aaprubahan sa kongreso dahil maraming karapatan ang maaaring malabag sa pag-amyenda sa Republic Act 6713.
Facebook Comments