Panukala ni SGMA na magtatatag ng Hospitals para sa mga OFW aprubado na sa Kamara

Aprubado sa tatlong kumite sa kamara ang panukalang batas na inakda ni House speaker Gloria Macapagal-Arroyo na layung magtatag ng mga Hospital para sa Overseas Filipino Workers (OFW) at kanilang pamilya.

Inaprubahan ng ways and means committee ang tax provision ng House Bill no.9194, habang nagbigay naman ng pag-sang-ayon ang Committees on Health at Appropriations.

Sa ilalim ng panukala ni Arroyo, itatayo ang mga OFW Hospitals para magbigay ng komprehensibong health care services sa lahat ng migrant workers na mga nagbibigay ng kontribusyon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).


Kapag naitayo na ang naturang mga pasilidad, ito ay pangangasiwaan ng Department of Health.

Layun din ng panukala na mapagkalooban ng medical examinations para masiguro ang physical at mental capability ng mga overseas contract workers na may kaukulang job order.

Magsisilbi rin itong primary referral hospital para sa mga repatriated OFWs na mangangailangan ng  medical assistance and support.

Ipinaliwanag ni Arroyo na ang naturang panukala ay pagbibigay diin lamang sa mga umiiral na batas patungkol sa kalusugan.

Hihilingin naman ni SGMA sa kanyang mga kaalyado sa 18th congress na i-refile ang panukala sakaling maabutan ito ng pag-adjourn ng 17th congress sa ika-walo ng hunyo.

Facebook Comments