Panukala para sa ₱10,000 ayuda, isusulong ng isang senador

Ihahain agad ni Senator Alan Peter Cayetano ang panukalang batas para sa pagbibigay ng ₱10,000 ayuda.

Magiging panawagan ng panukala ang paglikha ng isang financial aid program na magbibigay ng ₱10,000 sa bawat pamilyang Pilipino.

Ayon sa bill, ang perang ibibigay sa mga pamilya ay maaaring gamitin para sa mga pangunahing pangangailangan o pambayad sa utang na lumaki dahil sa COVID-19 pandemic.


Maaari rin itong gamitin para ipundar sa isang negosyo o kaya’y para maituloy ang kabuhayang natigil dahil sa mga lockdown.

Ang panukalang ₱10,000 bilang bahagi ng Bayanihan 3 COVID-19 Aid Package at ₱10,000 Ayuda Bill sa ₱5-Trillion 2022 National Budget ay inihain na ni Cayetano sa Kamara pero hindi nakapasa.

Dahil dito, ay inilunsad nina Cayetano at mga kaalyado ang Sampung Libong Pag-asa Program na nagbahagi ng ₱10,000 sa ilang piling pamilya sa iba’t ibang lugar sa bansa na pansamantalang itinigil noong February 7, 2022 bilang pagsunod sa campaign rules ng Commission on Elections (COMELEC).

Facebook Comments