Umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa mga kapwa mambabatas na pagtibayin na ang panukala para sa benepisyo ng mga Barangay Health Workers sa Pilipinas.
Ginawa ng senador ang panawagan sa kanyang privilege speech kung saan iginiit ni Go na nararapat lamang na suklian ang pagsisikap ng BHWs na mabigyan ng maayos na kalusugan ang kanilang mga nasasakupan.
Tinukoy pa ni Go na ang BHWs lamang ang tanging mga manggagawa ng pamahalaan na sumusugod sa mga liblib na lugar para makapagabot ng serbisyong medikal.
Sinabi naman ni Senator Alan Peter Cayetano na nararapat lamang mabigyan ng sapat na insentibo, benepisyo, at kompensasyon ang lahat ng mga paghihirap at pagsisikap ng BHWs.
Dagdag pa ni Cayetano, ang BHWs ang itinuturing na backbone para sa episyenteng paghahatid ng serbisyong pangkalusugan kaya nararapat lamang din na may maayos silang kompensasyon at tulungan din na itaguyod ang kanilang kakayahan.