Panukala para sa dagdag-benepisyo sa mga DOST personnel, inaasahang makakahikayat ng marami pang empleyado

Manila, Philippines – Umaasa ang Kamara na marami ang mahihikayat na maging science and technology personnel ng gobyerno sa oras na maisabatas ang panukala para sa dagdag na benepisyo para sa mga ito.

Positibo ang Kamara na sa pamamagitan nito ay mahihikayat ang mga science and technology practitioners na magtrabaho sa pamahalaan matapos na maipasa at maratipikahan ng Kongreso.

Inaamyendahan ng ipinasang panukala ang Republic Act 8439 o ang Magna Carta for Scientists, Engineers, Researchers and other S&T Personnel in the Government.


Layon nito na mabigyan ng honorarium ang mga science and technology personnel na nagseserbisyo ng mahigit sa regular na workload ng mga ito.

Maaari ring mabigyan ng honorarium kahit ang mga non-DOST at DOST personnel na nakiisa sa mga aktibidad at pananaliksik patungkol sa science at technology.

Facebook Comments