Manila, Philippines – Hiniling ni Bayan Muna Representative Ferdinand Gaite sa Kamara ang pagpapasa ng panukala para sa dagdag na pondo para sa prevention ng sakit na dengue.
Giit ni Gaite, kailangang magpasa agad ng panukala para sa dagdag na pondo ang Kamara upang matututukan ang tinatawag na national dengue epidemic na nararanasan ngayon.
Higit sa lahat dapat na unahin at pagtuunan ng pansin ang mga lugar na expose o nakapagtala ng mataas na rate ng dengue.
Iginiit pa ni Gaite ang pagpapalakas sa health care system upang hindi na maulit ang ganitong epidemic sa bansa sa hinaharap.
Pinare-review din ng kongresista ang mga polisiya ng Department of Health o DOH upang epektibong mapuksa ang tumataas na kaso ng dengue.
Naniniwala ang kongresista na hindi sagot ang planong pag-restore ng Dengvaxia para maiwasan ang sakit na dengue kundi dapat ay pangmatagalang solusyon para sa lahat.