Panukala para sa general tax amnesty, lusot na sa komite ng Kamara

Ipinasa ng House Committee on Ways and Means ang Substitute Bill na nagbibigay ng one-year general tax amnesty sa lahat ng mga hindi nabayarang buwis sa gobyerno simula 2018 hanggang sa mga sumunod na taon.

Ayon kay Ways and Means Chairman Joey Salceda, inaprubahan unanimously ng mga miyembro ng komite ang panukala.

Aniya, layunin nito na mahikayat ang mga tax payers ng kanilang mga hindi na-settle na buwis sa pamamagitan ng hindi pagpapataw ng penalty gayundin ang makalikom ang pamahalaan ng dagdag na kita.


Ang makokolekta mula dito ay gagamitin para sa set-up ng Bureau of Internal Revenue (BIR) database, social services ng pamahalaan at Build, Build, Build program.

Bukod dito, layon din ng panukala na itaas ang antas ng kamalayan ng mga tax payers sa pagbabayad ng buwis, bigyang pagkakataon ang mga pabayang taxpayers na linisin ang kanilang record, at palawakin ang tax base.

Ang panukala para sa general tax amnesty ay inihain nila House Committee on Economic Affairs Chairperson Sharon Garin at House Committee on Ways and Means Senior Vice Chairperson Estrellita Suansing.

Facebook Comments