Panukala para sa libreng pag-transport ng mga relief goods, pasado na sa ika-2 pagbasa

Manila, Philippines – Pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukala para sa libreng pag-transport ng mga relief goods sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

Sa House Bill 9087 na inihain ni Bulacan Rep. Florida Robes, mapapabilis ang pagdadala ng relief goods sa mga lugar na mas nangangailangan ng agarang tulong.

Inaatasan dito ang Office of Civil Defense na obligahin ang Philippine Postal Corporation at lahat ng freight companies na nagbibigay ng logistic service na ilibre ang mga rehistradong relief organization sa pagbyahe ng mga emergency relief goods at donated items.


Ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang magbibigay naman ng seguridad at traffic management assistance para sa mabilis na deployment ng mga tao, kagamitan at tulong sa mga apektadong lugar.

Sakali namang hindi accessible ang isang lugar, ang relief goods ay ihahatid sa pinakamalapit na LGU at iko-consign na lang ito sa local Chief Executive o Alkalde.

Facebook Comments