Panukala para sa maayos at ligtas na paggamit ng nuclear energy, kinatigan ng House Committee on Ways and Means

Inaprubahan na ng House Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang “tax at revenue provisions” para sa panukalang “Philippine National Nuclear Energy Safety Act.”

Isinusulong ng panukala ang pagtatag ng Philippine Atomic Energy Regulatory Authority o PhilATOM at itinatakda din nito ang mga kailangan para sa authorization and regulation ng nuclear energy applications.

Nakapaloob din sa panukala ang paglalatag ng isang komprehensibong “legal framework” para sa “radiation safety,” at standards para sa maayos at ligtas na paggamit ng nuclear energy.


Diin ni Congressman Salceda, napapanahon nang magkaroon ng “guiding framework” para magamit ang nuclear energy sa ating bansa.

Dagdag pa ni Salceda, dapat mahinto na ang mga takot ukol sa paggamit ng nuclear energy at hayaang gabayan tayo ng syensa at kasayasayan sa pagdedesisyon hinggil dito.

Nauunawaan ni Salceda ang mga kritisismo sa paggamit ng nuclear energy pero kanyang ipinaliwanag na hindi maiiwasan ng bansa na kumuha ng enerhiya mula sa nuclear na mas mababa ang generating costs per kilowatt-hour.

Facebook Comments