Panukala para sa mabilis na pagbili ng LGUs ng COVID-19 vaccine, papasertipikahang urgent sa Pangulo

42

Buo ang suporta ng mga miyembro ng gabinete sa panukalang gawing exempted sa ilang procurement laws ang Local Government Units (LGUs) para mapabilis ang pagbili nila ng COVID-19 vaccine.

Sa katunayan, ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., inihahanda na nila ni Health Secretary Francisco Duque III ang memorandum na nagrerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan itong urgent.


Paliwanag naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na siyang may-akda ng panukala, sa ilalim nito ay papayagang bumili ang LGUs ng bakuna kahit hindi ‘yon ang pinakamura at papahintulitan din silang magbigay ng paunang bayad kahit wala pang siguradong petsa ng delivery ng bakuna.

Facebook Comments