Panukala para sa pag-i-institutionalize ng LGU income classification, ganap nang batas

Isa nang batas ang Automatic Income Classification of Local Government Units.

Ito ay matapos pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Republic Act 11964 na inaasahang magbibigay ng mas responsableng paraan sa Local Government Units (LGUs) upang mapalakas ang lokal na awtonomiya.

Batay sa bagong batas magkakaroon ng limang kategorya o klasipikasyon ang mga LGU base sa average annual regular income sa tatlong fiscal years.


Pasok sa first class ang mga LGU kung kumikita ng taunang average na 200 million.

2nd class kung ang income ay 160 million o higit pa pero mas maliit sa 200 million pesos.

Pasok naman sa 3rd class ang may kita na ₱130 million kada taon o higit pa, pero mas mababa sa P160 million habang nasa 4th class naman ang bayang nasa P90 million o mas mababa pa sa P130 million ang kita.

5th class ang may average na taunang kita na mas mababa sa P90 million.

Epektibo naman ang bagong batas sa Enero 1 ng susunod na taon.

Ang Department of Finance at Department of Budget and Management (DBM) ay inaatasan namang makipag-ugnayan sa mga LGU at gumawa na ng mga patakaran at regulasyon sa pagpapatupad ng batas o Implementing Rules and Regulations.

Facebook Comments