Manila, Philippines – Pinamamadali nila Bayan Muna Representatives Carlos Isagani Zarate at Ferdinand Gaite na ma-aprubahan ng Kamara ang kanilang inihaing twin bills kaugnay sa kapakanan ng mga nurses sa bansa.
Isinusulong ng Bayan Muna ang comprehensive nursing bill na layong i-angat ang health care services sa bansa at ang panukala para sa dagdag na sahod sa mga nurses.
Sa ilalim ng comprehensive nursing bill ay papalitan nito ang Republic Act 9173 o ang Philippine Nursing Act of 2002 na layong palakasin ang Professional Regulatory Board of Nursing para i-professionalize ang nursing practice, matiyak ang healthy working environment at garantiyahan ang kalusugan at kapakanan ng mga Filipino nurses.
Paliwanag ni Gaite, kailangang matiyak din na malusog at maayos ang kalagayan ng mga health workers upang magampanan nila ng mahusay ang pagbibigay ng health services sa publiko.
Itinutulak naman ni Zarate na gawing Salary Grade 15 o P30,000 ang minimum wage ng mga nurses.
Ayon kay Zarate, nasa P20, 754 ang sweldo ng mga government nurses habang nasa average na P10,000 lamang ang natatanggap na sahod ng mga nurses sa private sector.
Layunin din ng mga panukala na ayusin ang nurse to patient ratio at hikayatin ang mga Pinoy nurses na huwag nang umalis.