Pinamamadali ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles ang Senado sa pagapruba sa panukala para sa pag-prioritize at pagbibigay proteksyon sa ating local labor force.
Ayon kay Nograles, dapat na i-regulate ang mga foreign workers sa Pilipinas bunsod na rin ng pagdagsa ng mga ito at pagtatrabaho sa bansa.
Pinapa-adopt ng kongresista ang Labor Market Test (LMT) na magiging batayan sa pagha-hire ng mga foreign workers.
Sa ilalim nito ay ipaprayoridad ang pagkuha sa labor force ng bansa at saka lamang kukuha ng dayuhang empleyado o manggagawa sakaling walang Pinoy ang mag-qualify sa posisyon.
Ang sinumang foreign national o employer na lalabag sa oras na maging ganap na batas ito ay mahaharap sa multang P50,000 hanggang P100,000 at pagkakakulong ng anim na buwan hanggang anim na taon.
Giit nito lalo lamang dadami ang bilang ng mga dayuhang mangagawa sa bansa kung hindi pa ito agad maisasabatas.