Panukala para sa pagbabalik ng death penalty, umarangkada na sa Kamara

Sinimulan na ring talakayin ng House Committee on Justice ang 11 panukala na nagbabalik sa parusang kamatayan.

Sa pagdinig ng Komite, hiniling ni Valenzuela Rep. Weslie Gatchalian, isa rin sa mga may-akda ng death penalty, na maglatag ng safeguards sa probisyon ng death penalty upang matiyak na hindi ito maaabuso ng mga otoridad.

Pinangangambahan ng kongresista na kapag may parusang kamatayan sa mga kaso na may kinalaman sa iligal na droga ay posibleng taniman lamang ng droga ang mga mahuhuling suspek.


Nababahala naman si House Deputy Speaker Ferdinand Hernandez sa patuloy na pagtaas ng krimen sa bansa kaya para sa kanya ay napapanahon na para maibalik ang death penalty.

Partikular na ipinapapataw ang parusang kamatayan sa mga karumal-dumal na krimen tulad ng aggravated rape, murder, kidnapping at mga kaso na may kinalaman sa iligal na droga.

Suportado naman ng PNP at ng Department of Justice ang pagbabalik sa death penalty habang ang Commission on Human Rights (CHR) ay sumusuporta sa mga anti-criminality campaign ng pamahalaan pero naniniwalang hindi ang death penalty ang magpapababa sa krimen sa bansa.

Facebook Comments