Panukala para sa pagsusulong ng mental health at kapakanan ng mga estudyante, isinalang na sa plenaryo ng Senado

Isinalang na sa plenaryo ng Senado ang panukalang nagsusulong ng mental health at kapakanan ng mga mag-aaral.

Si Basic Education Chairman Senator Sherwin Gatchalian ang nag-sponsor ng Senate Bill 2200 sa plenaryo.

Sa ilalim ng panukalang batas, imamandato ang pagkakaroon ng school-based mental health program upang matulungan at magabayan ang mga kabataan sa pangangalaga sa kanilang mental health.


Itataas ang antas ng kamalayan at kaalaman sa mga kabataan sa mental health issues at para magkaroon sila ng access sa mental health specialists at associates sa mga paaralan.

Sa kanyang speech, sinabi ni Gatchalian na labis na nakababahala ang datos na mahigit 400 estudyante ang nag-suicide o nagpakamatay sa loob ng isang school year.

Suportado naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang panukala at umaasang mawawala na ang stigma at discrimination sa mental health lalo na sa mga kabataan.

Facebook Comments