Panukala para sa parusang kamatayan, haharangin ng Makabayan

Haharangin ng Bayan Muna sa Kamara ang anumang death penalty bills na ihahain.

Para kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, pinaka-ugat ng mga nangyayaring krimen ay kahirapan.

Naniniwala si Zarate na kung may maayos at sapat na sahod ang mga mahihirap, nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, nakakapag-aral at natutugunan ang pangangailangang pangkalusugan ay tiyak na bababa ang crime rate sa bansa.


Sinabi ng kongresista na anti-poor ang parusang kamatayan dahil higit na maaapektuhan dito ang mga mahihirap na walang pambayad para sa magagaling na abogado habang ang mga nakakaangat sa buhay ay nakakatakas sa kabila ng paglabag sa batas.

Maliban dito, ay napatunayan din na hindi epektibo ang death penalty para pababain ang kaso ng mga may kinalaman sa iligal na droga tulad sa tokhang na hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ang mga sindikato ng droga.

Nanawagan din ang kongresista na igiit ang independence at pagiging co-equal branch ng Kamara sa Ehekutibo kaugnay sa pagtutulak ng parusang kamatayan.

Facebook Comments